Water cannon incident sa Ayungin Shoal ipo-protesta ng ‘Pinas – PBBM

Hindi palalagpasin, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa chartered resupply vessel para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“We continue to view with great alarm these continuing dangerous maneuvers and dangerous actions that are being done against our seamen, our Coast Guard. And this time, they damaged the cargo ship and caused some injury to some of our seamen,” ani Marcos sa panayam sa Melbourne, Australia.

Dagdag pa niya: “Once again, we will make our objections known and hope that we can continue to communicate to find a way so that such actions are no longer seen in the West Philippine Sea.”

Pag-amin na lamang din ni Marcos na hindi niya maaring igiit ang Philippine-US Mutual Defense Treaty sa kabila ng naging aksyon ng China.

Idinagdag din nito na nakakabahala ang presensiya ng Chinese research vessels sa Benham Rise dahil malinaw na panghihimasok ito sa teritoryo ng Pilipinas.

“However, there is a suspicion that they are not only research vessels so, again, this is a bit of an escalation of the tension that is present in the West Philippines Sea,” dagdag pa ni Marcos.

Una nang ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ang mataas na opisyal ng Chinese Embassy at ipinarating ang pag-alma ng Pilipinas sa insidente sa Ayungin Shoal.

Inutusan ng DFA ang China na alisin na ang kanilang mga sasakyang-pandagat sa Ayungin Shoal sabay giit na teritoryo ito ng Pilipinas.

 

 

Read more...