Pinasinungalingan ng Department of Education (DepEd) ang viral social media post ukol sa inaalok na allowance sa mga Grade 1 hanggang Grade 6 pupils.
Nagpalabas na ng abiso ang kagawaran ukol sa alok na allowance kapalit ng mga impormasyon sa kanilang school ID
“Parents and guardians are strongly advised not to give out their children’s school information and identification to these kinds of hideous posts so as not to compromise their security,” ang paalala sa abiso.
Makikita sa fake post ang opisyal na logo ng DepEd katabi ang larawan ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte.
Ipinasusumite sa fake post ang school ID ng mga mag-aaral bago sumapit ang Marso 30.
Ang magsusumite ay pagkakalooban ng P1,000 hanggang P5,000 depende sa grade level ng mag-aaral.
Dagdag paalala pa ng DepEd sa mga magulang na umasa ng mga opisyal na impormasyon mula sa mga opisyal na socmed accounts ng kagawaran.