Pinapaboran ng Department of Labor and Employment (DOLE), Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pamumuhunan ng mga banyaga sa Higher Education Institutions (HEIs) sa bansa.
Ipinahayag ng tatlong ahensiya ang kanilang posisyon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Sub-Commitee on Constitutional Amendments sa Resolution of Both Houses No. 6, patungkol sa isinusulong na “economic Charter-Changge (Cha-cha).
Sumentro ang pagdinig, na pinamunuan ni Sen. Sonny Angara, sa panukalang payagan ang mga banyaga na magmay-ari sa bansa ng HEIs.
Inilatag ni CHED Chair Prospero de Vera ang mga maaring benepisyo dahil magkakaroon ng mas maraming opsyon ang mga mag-aaral, ang pagkakaroon ng ugnayan ang mga local at international universities at lolobo ang foreign student enrollment sa bansa.
Ayon naman kay TESDA Deputy Dir. Gen. Rosanna Urdaneta na pabor sila na magkaroon ng banyagang partisipasyon sa higher level Technical-Vocational Education Training (TVET) dahil na rin sa pangangailangan para sa “globalization” kasabay nang pagtaguyod pa rin sa “Filipino First” policy.
Sa bahagi naman ng DOLE, ibinahagi ni Usec. Felipe Egargo Jr., ang pangangailangan na amyendahan ang ilang economic provision sa 1987 Constitution para makapanghikayat pa ang foreign investments, na napakahalaga para magkaroon ng mas maraming oportunidad na magka-trabaho ang mga Filipino.