Dating First Lady Imelda Marcos nasa ospital – Sen. Imee

Kasalukuyang nasa ospital si dating Unang Ginang Imelda Marcos. (INQUIRER FILE PHOTO)

Kinumpirma ni Senator Imee Marcos na kasalukuyang naka-confine sa ospital ang kanila ina, si dating First Lady Imelda Marcos.

Ayon sa senadora, pinangangambabahang may pneumonia ang dating Unang Ginang.

Aniya ito ay dahil pabalik-balik ang kanyang lagnat at ubo.

Sinabi pa nito na dahil sa edad na 94 ng kanilang ina kailangan nilang pag-ingatan ito ng husto.

Dagdag pa niya, pinili na nilang ipa-admit ang ina sa ospital para lubos na matutukan ang kondisyon.

Noong nakaraang taon, sumailalim sa angioplasty operation ang dating Unang Ginang

 

Read more...