PBBM sa mga Pinoy sa Australia: Uwi kayo at tingnan ang Bagong Pilipinas

Si Pangulong Marcos Jr. at First Lady Lisa Araneta-Marcos sa piling ng Filipino community sa Melbourne, Australia. (PCO PHOTO)

Inanyayahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”  Marcos Jr. ang mga Filipino na nasa Australia na umuwi sa Pilipinas upang personal na makita ang mga pagbabago sa ilalim ng kanyang “Bagong Pilipinas” campaign.

“Let us always remember that the adage that is true, that home is where the heart is. So cherish your Filipino identity because in that way you remain connected to us, to the Philippines, no matter where you are,” sabi ni Marcos sa  Filipino community sa Melbourne, Australia.

Dagdag pa niya:  “Before I end, let me invite you again to visit the Philippines soon and see for yourself the new Pilipinas, Ang Bagong Pilipinas. ‘Yan po ang aming itinataguyod. ‘Yan po ang aking ipinaglalaban ngayon.”

Hinikayat din ng Punong Ehekutibo ang mga Filipino na balikan ang kanilang tunay na lahi at ituro ang pagmamahal sa Inang Bayan sa kanilang mga anak, apo at sa mga susunod nilang henerasyon.

Hinilin din niya na ituro sa mga batang henerasyon ang pagmamahal sa Pilipinas, sa mga bayani ng bansa at ang mga magagandang lugar sa Pilipinas.

“Iuwi n’yo muna sa Pilipinas para makita nila ang ibig n’yong sabihin. Siguro hindi nila naaalala ‘yung mga bayani ng Pilipinas, hindi nila alam ‘yung mga lugar na sinasabi natin at simpleng simple lang, makikita nila kung gaano kaganda ang pinakamagandang bansa sa buong mundo, ang Pilipinas,” dagdag pa ni Marcos.

Tinatayang may 408,000 Filipino sa Australia sa kasalukuyan.

Ibinahagi din niya na pagsusumikapan ng kanyang administrasyon na pagbutihin ang buhay ng bawat Filipino, maging ang mga nasa ibang bansa.

Ipinagmalaki pa niya na maganda na ang kondisyon ng ekonomiya ng Pilipinas.

 

Read more...