Daga, surot sa NAIA baka “kagatin” ang ating turismo – Poe

Nangangamba si Senator Grace Poe na magsilbing “blackeye” sa industriya ng turismo sa bansa ang mga reklamo ukol sa mga peste sa Ninoy  Aquino  International Airport (NAIA) terminals.

Kayat nanawagan siya sa pamunuan ng mga airport terminals na magsagawa ng “deep cleaning” hanggang sa kasuluk-sulukan bahagi ng mga gusali.

“The bed bug infestation and reported sightings of rats may be untypical incidents, but in the bigger scheme of things could scare travelers and have a dent on our tourism,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Public Services.

Umaasa din si Poe na walang magiging aberya sa  rehabilitation project sa NAIA para mawala ang lahat ng mga peste at maging kaayaaya ang magiging karanasan ng mga pasahero.

Naging viral sa social media ang nakitang malaking daga sa Departure Area ng NAIA Terminal 3.

Bukod pa dito ang pangangati at pagkakapantal-pantal ng ilang pasahero dahil umano sa mga surot sa mga upuan.

Read more...