Online gambling sa socmed delikado para sa mga kabataan – Lapid

Delikado sa mga kabataan ang online gambling sa social media platforms, ayon kay Sen. Lito Lapid. (FILE PHOTO)

Nakatakdang maghain ng resolusyon si Senator Manuel “Lito” Lapid para maimbestigahan ang Senado ang naglipanang advertisements ng online gambling sa social media platforms.

Diin ni Lapid delikado ang mga online gambling advertisements sa mga menor-de-edad.

Aniya maaring makaapekto ito sa moralidad at ugali ng mga malululong sa online gambling kapag hindi kumilos ang gobyerno.

“Kung ang kabataan ay nakakalusot sa paglalaro sa online gaming, papaano natin sila palalakihin ng maayos at may moralidad sa buhay?” tanong ng namumuno sa Senate Committee on Games and Amusement.

Nangangamba din si Lapid sa posibilidad na mauwi sa paggawa ng kasalanan ang pagsusugal, tulad ng pangungupit sa kanilang mga magulang.

Kadalasan din aniya ay hindi nasusubaybayan ng mga magulang ang apps sa cellphone ng kanilang mga anak.

Nagpahayag din ng pangamba ang senador na maaring mapagsamantalahan ang mobile wallet services gaya ng GCash at PayMaya sa online gambling.

 

 

Read more...