5.9 magnitude offshore quake naitala sa Surigao del Sur

Niyanig ng 5.9-magnitude offshore earthquake ang Surigao del Sur ngayon hapon base sa paunang ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang lindol ala-5:29 ng hapon at ang sentro nito ay nasa distansiyang 75 kilometro timog-silangan ng bayan ng Cagwait sa lalim na 10 kilometro.

Base sa mga instrumento, ang lindol ay naramdaman na Intensity III sa Tandag City, Surigao del Sur ar Intensity II naman sa Nabunturan, Davao de Oro.

Sinabi pa ng Phivolcs na tectonic ang lindol nangangahulugan na bunga ito ng paggalaw ng active fault malapit sa naturang lugar.

Walang inaasahan na aftershocks, ayon pa sa Phivolcs.

Read more...