Ayon kay PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, noong Biyernes, July 1, 2016 nagsagawa sila ng surprised drug testing sa 2,405 na PNP personnel.
Kabilang sa sinuri ang mga pulis mula sa national headquarters ng PNP, mga regional office at police districts.
Sa nasabing bilang ayon kay Dela Rosa, 2,396 ang nag-negatibo ang urine specimen pero mayroong 9 na nagpositibo.
Sasailalim sa confirmatory tests ang mga nagpositibong resulta at inaasahang tatagal ng 2 hanggang 3 araw bago malaman ang panibagong resulta.
Ayon kay Dela Rosa, nakababahala ang naging resulta dahil paulit-ulit ang kaniyang pagsasabi na “zero tolerance” ang ipatutupad ng PNP sa drugs at pagkatapos ay mayroong pulis na nagpositibo sa droga.