Bentahan ng libro sa “Catch-Up Fridays” ilegal sabi ng DepEd

FILE PHOTO

Sinabi ng  Department of Education (DepEd) na may mga reklamo na ukol sa mga kawani ng eskuwelahan na nagbebenta ng booklets o workbooks kasabay ng pagkasa ng “Catch-Up Fridays.”

Sa inilabas na pahayag ng kagawaran, sinabi na walang dagdag gastos o walang gagastusin ang mga magulang at mag-aaral sa pagsasagawa ng “Catch-Up Fridays” sa mga paaralan.

Pinaalahanan ang mga magulang at mag-aaral na huwag magpabiktima sa pagbebenta sa kanilang mga libro.

Nabatid na iniimbestigahan na ng DepEd ang mga reklamo at nagbabala na ang mga mapapatunayang nagkasala ay papatawan ng mga administratibong reklamo.

Hinikayat din ng kagawaran ang publiko na isumbong sa tanggapan mismo ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte ang mga katulad na modus.

 

Read more...