February inflation rate posibleng tumaas – Bangko Sentral

Ang presyo ng bigas ang isa sa maaring dahilan ng mataas na February inflation.  (FILE PHOTO)

Maaring tumaas muli ang inflation noong nakaraang buwan dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pagkain, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Maaring nasa pagitan ng 2.8 hanggang 3.6 percent ang February inflation dahil sa pagtaas ng presyo ng bigas, karne at isda.

Dagdag pa ng BSP, maaring makapag-ambag din ang mataas na presyo ng kuryente at mga produktong-petrolyo.

Base sa mga datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang presyo ng mga karne ay tumaas ng 0.7 porsiyento, samantalang ang mga isda naman ay nagtala ng 1.2 porsiyentong pagtaas sa presyo.

Noong Enero, nakapagtala ng 2.8% inflation mula sa 3.9% noong Disyembre.

 

Read more...