Kinumpirma ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nagkaroon ng “minor glitch” sa 3-Digit game 2 PM draw noong nakaraang Martes, Pebrero 27.
Sinabi ng PCSO na nabigo na makuha ng draw machine ang isa sa tatlong bola.
Ayon kay PCSO Chairman Mel Robles agad naman ikinasa ng kanilang technical team at gumamit ng “standby machine” alinsunod sa ISO 9001-2018 procedure.
Aniya hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng katulad na insidente dahil ma nangyari ng una at isa sa kanilang draws noong 2008.
Dagdag pa ni Robles na nangyayari din ito sa ibang bansa kasama na sa Amerika na pumapalpak ang kanilang lottery machines
“For this thing to happen is very remote. But we are prepared and we assure the public that our commitment to a transparent, fair and authentic lottery games will never waver, and is as strong as ever,” diin nito.
May katapat na P4,500 premyo sa bawat winning ticket sa 3-Digit game.