Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na handa itong magkasa ng Charter-change (Cha-cha) sa susunod na taon.
Sinabi ni Chairman George Garcia na magagawa nila ito isabay man o hindi sa 2025 midterm elections.
“Kami po naman kung anong ipag-uutos talaga. Yun ang katotohanan. Kung anong sabihin ng Kongreso at mapagkasunduan ng Senate at House na dapat isabay handang handa po ang Comelec. Yun po, walang gastos na dagdag yun. Sapagkat pahahabain lang ng konti yung balota,” aniya.
Ngunit aniya maganda din na mapag-aralan pa ang pagsasagawa ng plebisito sa katuwiran naman niya na makakabuti na mapag-aralan ng husto ng mga botante ang isyu sa pag-amyenda sa Saligang Batas.
Sabi pa ni Garcia na hindi ordinaryong batas ang pinag-uusapan kundi ang Saligang Batas ng bansa.