Nakipagkasundo ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para mapalakas ang National Fiber Backbone (NFB) project ng administrasyong-Marcos Jr.
Pumirma sina NGCP President at CEO Anthony Almeda,at DICT Sec. Ivan John Uy sa lease agreement para sa mga imprastraktura, kabilang private telecom network infrastructure at substationsa ng ng power grid operator.
“We are pleased to stand as a key contributor to the National Fiber Backbone Project of DICT, a transformative initiative that aims to yield tangible benefits for the Filipino people,” ani Almeda.
Dagdag pa niya: “Together with DICT and the government under the leadership of President Ferdinand Marcos Jr., we work tirelessly to ensure the successful implementation of the NFB project, bringing us one step closer to realizing our shared vision of a digitally inclusive Philippines.”
Ang NFB ay katulad ng mga layon ng National Broadband Plan ng DICT para mapabilis at mapalakas ang paggamit ng fiber optic cable at wireless technology, na magiging daan naman ng mabilis na internet speeds at accessibility sa buong bansa.
At para maisakatuparan ito kailangan na mailatag ang fiber optic cables in 23 strategic sites sa ibat-ibang bahagi ng Luzon, na magpapalakas naman sa information at communications technology sa bansa.
“The signing of the Specific Site Lease Agreement will lead us closer to providing lighting-fast broadband connectivity to Filipinos,” sabi naman ni Uy.
Kasabay nito ang kanyang labis na pasasalamat sa NGCP.
“I’d like to express my sincerest gratitude to the National Grid Corporation of the Philippines for your proactive response to the President’s vision of the “Bagong Pilipinas”, where every Filipino has access to boundless opportunities and benefits from robust and inclusive digital infrastructure,” dagdag pa ng kalihim.
Sa Phase 1 ng proyekto, gagamitin ang “dark fiber” ng NGCP mula Laoag, Ilocos Norte, hanggang Quezon City, utilizing NGCP’s dark fiber.
Nagsimula na ang DICT sa pagkakabit at pagpapatayo ng mga pasilidad para sa kanilang Telecom Shelters sa substations ng NGCP para sa kanilang Optical Transport Networking (OTN) equipment.