.64-M nagparehistro para sa 2025 midterm elections – Comelec

FILE PHOTO

Sa unang 12 araw ng voter’s registration, umabot na sa 643, 987 ang nagsumite ng kanilang voter’s application, ayon sa Commission on Elections (Comelec) .

Ang bilang, ayon sa Comelec, ay mula noong Pebrero 12 hanggang noong nakaraang Sabado, Pebrero 24.

Sa kabuuang bilang, 335,831 ay babae samantalang 308,156 naman ang lalaki.

Pinakamaraming naipon na aplikasyon sa Calabarzon sa bilang na 115,167, na sinundan ng Metro Manila na may 95,557.

Pumangatlo ang Central Luzon sa 68,676; Central Visayas na nakapagtala ng 51,199 at Davao Region na may 36,937 aplikasyon.

Pinakamababa naman sa Cordillera Administrative Region na mayroon lamang 7,598 aplikasyon.

May 694 naman na aplikasyon sa punong-tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila alinsunod sa Register Anywhere Program (RAP).

May target na tatlong milyong magpaparehistro ang Comelec hanggang Setyembre 30.

 

Read more...