Cayetano: P160B kita sa tabako, P159B sa negosyante at P1B lang sa magsasaka

SENATE PRIB PHOTO

Pinuna ni Senator Alan Peter Cayetano ang sobrang dehadong hatian sa tinatayang P160 bilyon kita kada taon sa industriya ng tabako sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, ibinahagi ni Cayetano na sa naturang kita, P159 bilyon ang napupunta sa mga kapitalista at ang natitirang P1 bilyon ang pinaghati-hatian ng mga magsasaka.

Sinabi pa nito na kada taon, P300 bilyon ang ginagasta ng gobyerno sa mga isyung pangkalusugan na iniuugnay sa tabako.

“This means we are spending P140 billion over what the industry is making,” sabi ni Cayetano base sa mga impormasyon mula sa National Tobacco Administration (NTA).

Puna nito, pro-tobacco ang gobyerno at hindi kontra base sa mga numero na iprinisinta sa pagdinig.

Umaasa na lamang ang senador na pag-iibayuhin ng gobyerno ang pagtulong sa mga nagtatanim ng tabako.

Read more...