PAGASA: Temperatura posibleng bumaba ngayon weekend

JAN ESCOSIO PHOTO

Maaring magdulot ng makulimlim na kalangitan at pag-ulan sa Northern Mindanao, Caraga at Davao Regions ang mainit na hangin na nagmumula sa Dagat Pasipiko sa loob ng 24 oras.

Ang malakas o may kalakasan na pag-ulan  naman, babala ng PAGASA, ay maaring magdulot naman ng flashfloods o landslides sa mga nabanggit na rehiyon.

Mainit at maalinsangan na panahon na may manaka-nakang pag-ambom naman ang mararanasan sa natitira pang bahagi ng bansa.

Posible rin na ngayon weekend ay bumalik ang northeast monsoon o amihan kayat maaring bumaba ang temperatura sa ilang lugar sa Luzon.

Natatapos ang amihan sa ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Marso.

Read more...