Senate subpoena kay Pastor Apollo Quiboloy naisilbi na

SENATE COMMITTEE ON WOMEN PHOTO

Iniulat ng Office of Senate Sergeant-at-Arms (OSSAA) kay Senator Risa Hontiveros na natanggap na ng opisina ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy ang subpoena para sa pagdalo ng huli sa pagdinig sa Senado.

Tinanggap kahapon ng isang Atty. Marie Dina Tolentino Fuentes, abogado ng KOJC, ang subpoena para kay Quiboloy.

Inihirit na ni Hontiveros kay Senate President Juan Miguel Zubiri ang subpoena para kay Quiboloy dahil hindi ito dumalo sa mga pagdinig ng Committee on Women.

Iniimbestigahan ng komite, na pinamumunuan ni Hontiveros, ang ibat-ibang reklamo ng pang-aabuso laban kay Quiboloy ng mga dating miyembro ng KOJC.

Umaasa na lamang ang senadora na sa susunod na pagdinig sa Marso 5 ay haharapin at sasagutin ni Quiboloy ang mga nag-aakusa sa kanya.

Read more...