Makakabawi naman sa susunod na linggo ang mga motorista at konsyumer dahil sa inaasahang bawas sa halaga ng mga produktong-petrolyo.
Tinataya na P0.70 hanggang P1.10 ang matapyas sa halaga ng kada litro ng gasolina, P0.85 – P1.25 sa diesel at P0.65 – P1.05 naman sa kerosene.
Nilinaw naman na ang mga nabanggit na halaga ng mababawas ay nakadepende pa rin sa kaganapan sa huling araw ng “trading” ngayon araw.
Bukod dito, ang mga nabanggit na halaga ay maaring maapektuhan sa nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.
Simula noong unang linggo ng taon at base sa datos ng Department of Energy (DOE) ang halaga ng kada litro ng gasolina ay nadagdagan na ng P6.15, P5.40 sa diesel at P1.50 sa kerosene.
MOST READ
LATEST STORIES