Ipinangako ng Department of Education (DepEd) na 80 porsiyento ng textbooks para sa Grades 1, 4 at 7 ay naideliver na hanggang sa Hulyo.
Ginawa ng kagawaran ang pangako sa pulong ng Second Congressional Commission on Education (EdCom2) kahapon.
“By July, we’ll have around 80 percent of textbooks,” sabi ni Director Ariz Cawilan, ng DepEd Bureau of Learning Resources (BLR).
Nabanggit sa pulong na ang awarding para sa bidders sa mga textbooks ay ipapalabas sa susunod na buwan at sa Abril ay ilalabas na ang Notice to Proceed para masimulan na ang pag-imprenta ng mga libro.
Ayon sa DepEd, noong Setyembre pa lamang ay nag-isyu na sila ng Call fpr Textbooks.
Una nang pinuna ng EdCom2 na mula 2012, 27 textbooks lamang ang binili ng DepEd para sa Grade 1 hanggang Grade 10.