Dalawa sugatan sa banggan ng dalawang truck sa QC

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Isang 10 wheeler truck ang sumalpok sa isang delivery truck na may laman ng karne ng baboy sa may bahagi Katipunan, Quezon City kaninang alas 2:00 ng madaling araw.

Ayon sa driver ng ten wheeler truck na may plakang CWZ-657 na si Alberto Maximo, nakatulog siya kaya hindi niya namalayan na sasalpok na siya sa delivery truck na may plakang RNH-847 na minamaneho naman ni Inocencio dela Cruz.

Nagtamo ng malalim na sugat sa tuhod ang driver ng 10-wheeler truck at kinailangan din siya lagyan ng oxygen dahil sa hirap na huminga.

Samantalang galos lang ang natamo ng pahinante nito na si Ian de Leon.

Papunta sana ng Antipolo ang ten-wheeler truck para magkarga ng mga aluminum nang bumangga sila sa isang closed van kanto ng Katipunan at CP Garcia Avenue.

Ayon sa driver ng closed van, nakahinto sila dahil naka pula ang stoplight nang bigla na lamang silang salpukin sa likod ng truck.

Sa lakas ng pagkakasalpok nayupi ang nguso ng 10-wheeler truck at nabasag ang windshield nito dahilan upang bahayang maipit sa manibela ang driver nito.

Posible namang maharap sa reckless imprudence resulting to physical injuries with damage to properties si Maximo.

Read more...