Ginang, arestado sa paggamit ng nakaw na credit card

 

Mula sa Masambong police

Isang ginang ang arestado matapos na mamili sa isang department store sa Quezon City gamit ang credit card na hindi kanya.

Kinilala ni Police Senior Inspector Virgilio Carodan, ang PCP commander na nakakasakop sa Trinoma Mall ang suspek na si Venus Celestino 38, yrs old at nakatira sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Capt. Carodan pasado alas-7:00 kagabi nang maaresto ang suspek sa loob ng isang mall sa Brgy. Pagasa matapos na mamili ng mga mamahaling  sapatos at pantalon gamit ang credit card mula sa biktimang si Jane Guevarra na nagkakahalaga ng mahigit P25, 000.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng PNP, nakuha ng suspek ang credit card ng biktima matapos na madukot ang kanyang wallet na naglalaman ng mahigit P20,000.

Sinabi pa ni Capt. Carodan, maliban sa nabiktima ng pandurukot si Mrs. Guevarra, nabiktima din ito ng modus na “kaskas” o mamimili ang suspek gamit ang ninakaw na credit card.

Nahuli ang suspek matapos makatanggap ng confirmation text ang biktima na nagsasabi na namili ito gamit ang kanyang credit card.

Itinanggi naman ng suspek na ninakaw nya ang credit card ng biktima at sa halip ay ibinigay lang daw sa kanya ito ng isa nyang kasamahan.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong theft ang suspek at ATM fraud na  nakakulong na sa QCPD Station 2.

Read more...