Naghain ng resolusyon si Senate President Pro Tempore Loren Legarda para maimbestigahan ng Senado ang trahedya sa Maco, Davao de Oro na nagresulta sa pagkasawi ng halos 100 katao.
Sa inihaing Senate Resolution 930, nais ni Legarda na nmaimbestigahan ng kinauukulang komite ng Senado ang landslide sa Barangay Masara noong gabi ng Pebrero 6.
Nabanggit sa resolusyon na ang lugar ay naideklara ng lokal na pamahalaan na “No Build Zone” ang lugar base sa ulat ng Mines and Geo-Sciences Bureau na ang lupa ay mahina na at nasa ibabaw ng Philippine fault.
Una na ring nagkaroon ng landslides sa lugar noong 2007 at 2008.
Ayon kay Legarda, aalamin sa pagdinig kung may naging pagkukulang ang mga kinauukulang ahensiya kayat nangfyari ang trahedya.
MOST READ
LATEST STORIES