DepEd inanunsiyo ang mas maagang bakasyon sa eskuwelahan

FILE PHOTO

Maagang makakapagbakasyon ang mga estudyante mula pre-school hanggang senior high school ngayon School Year 20223-2024 base sa anunsiyo ng  Department of Education (DepEd).

Base sa DepEd Order No. 003 series of 2024 na pirmado ni  Vice President at Education Sec. Sara Duterte na may petsang Pebrero 19, magsisimula na asa Hunyo 1 hanggang Hulyo 26.

Magtatapos ang mga klase sa Mayo 31 sa halip na sa Hunyo 14.

Base sa  DepEd Order No. 22 series of 2023 o ang Implementing Guidelines on the School Calendar and Activities for the SY 2023-2024, ang end of school year break ay naitakda sa Hunyo 17 hanggang Agosto 25.

Bunga nito, kailangan na magbago ang petsa ng school activities, kasama na ang petsa ng 3rd at 4th Quarter examinations.

Read more...