‘Rebolusyon’ sa sektor ng agrikultura, ilulunsad ng Duterte administration

 

Inquirer file photo

Palalakasin ng Duterte administration ang sektor ng agrikultura sa bansa upang mapaigting ang produksyon nito na malaki ang maitutulong sa mga mamamayang nasa kanayunan.

Ito ang inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III kasabay ng pahayag na bahagi ito ng economic agenda ng Duterte administration.

Bibilisan din aniya ng pamahalaan ang pag-decentralize ng ekonomiya ng Pilipinas at kontrolin ang population growth rate.

Bukod dito, bubuhusan din aniya ng puhunan ng gobyerno ang educational system at palalawigin ang access sa public health.

Seryoso rin aniya si Pangulong Duterte na resolbahin ang problema sa matinding trapiko sa Kalakhang Maynila na isa sa mga dahilan kaya’t nawawalan ng gana ang ilang mga investors na maglaan ng puhunan sa bansa.

Pag-aaralan rin ng bagong administrasyon ang implementasyon ng conditional cash transfer system o CCT program.

Ito aniya ay dahil sa pananaw ng ilang negosyante na masyado nang umaasa ang publiko sa gobyerno dahil sa naturang proyekto.

Read more...