“Eddie Garcia” bill aprub sa 22 senador

SENATE PRIB PHOTO

Sa boto na 22-0, lumusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Senado ang ipinapanukalang “Eddie Garcia Law.”

Layon ng panukalang-batas na mabigyan ng proteksyon ang lahat ng mga manggagawa sa pelikula at telebisyon.

Paliwanag ni Sen. Jinggoy Estrada, layon din ng Senate Bill No. 2505 na protektahan sa hindi makataong pagtrato at delikadong kondisyon sa pagta-trabaho ang mga manggagawa sa industriya ng showbiz.

“A product of your Senate’s commitment to put forward the welfare of workers, this is our meaningful acknowledgment to them whose work are often overshadowed by the main content and star power of the main cast. We simply owe it to them,” banggit ni Estrada sa kanyang sponsorship speech.

Nabanggit din ni Estrada na bagamat inihain ang panukala matapos ang pagkamatay ng beteranong aktor na si Eddie Garcia, una nang naisip ng kanyang ama, si dating Pangulong Joseph Estrada ang mga manggagawa sa showbiz nang simulan nito ang Movie Workers Welfare Foundation (MOWELFUND).

Nakapaloob sa panukalang batas ang walong oras na pagta-trabaho hanggang 14 oras sa mga manggagawa sa showbiz, bukod pa dito ang oras ng pagkain o kabuuang 60 oras lamang sa isang linggo.

 

Read more...