Magpapatupad bukas ang mga kompaniya ng langis ng higit P1 na pagtaas sa kanilang mga produktong-petrolyo.
Sa magkakahiwalay na abiso ng mga kompaniya, P1.60 ang madadagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, samantalang P1.10 naman sa diesel.
Sa kerosene, P1.05 ang itataas ng halaga ng kada litro.
Noong nakaraang linggo, nabawasan ng P0.10 at P0.60 ang presyo ng mga produktong-petrolyo.
Ngayon taon, tumaas na ng P4.94 ang kada litro ng gasolina, P3.30 sa diesel at P1.85 naman sa kerosene.
Ang sigalot sa Gitnang Silangan ang itinuturong ugat pa rin ng pagtaas ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
MOST READ
LATEST STORIES