Pastor Apollo Quiboloy may subpoena para sa House hearing

HOR PHOTO

Nagpalabas na rin ng subpoena ang pamunuan ng Kamara para kay Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.

Sa subpoena, pinahaharap si Quibiloy sa pagdinig ng Committee on Legislative Franchises, na pinamumunuan ni Parañaque City 2nd district Rep. Gus Tambunting, sa Marso 12 sa Kamara.

Pirmado din nina Speaker Martin Romualdez at House Secretary General Reginald Velasco ang subpoena.

Magugunita na nakapagsagawa na ng mga naunang pagdinig ang komite hinggil sa mga paglabag sa prangkisa ng SMNI, na sinasabing pag-aari ni Quiboloy.

May paalala din sa subpoena na ang kabiguan ni Quiboloy na ang Kamara ay may kapangyarihan na mag-contempt alinsunod sa Section 11 ng alintuntunin sa pagsasagawa ng pagdinig ng Kamara.

 

Read more...