Inaunsiyo ngayon umaga ng Department of Health (DOH) na patuloy na bumaba ang mga naitatalang kaso ng 2019 coronavirus at influenza-like illness (ILI) sa bansa.
Base sa impormasyon mula sa kagawaran, kabuuang 16,155 ILI cases ang naitala simula sa unang araw ng taon hanggang noong Pebrero 3.
Ito ay mababa ng 19 porsiyento kumpara sa napa-ulat sa katulad na panahon noong 2023.
Naobserbahan din ang 10 porsiyentong pagbaba ng ILI cases simula noong nakaraang Disyembre 24 hanggang Enero 7 ngayon taon at mas bumaba pa noong Enero 21 hanggang Pebrero 3.
May 10 naman namatay dahil sa ILI noong Enero 1 hanggang Pebrrero 3 ngayon taon.
Samantala, sa mga bagong Covid 19 cases, noong Pebrero 6 hanggang 12, nakapagtala ng 661 bagong kaso para average daily cases na 94 na mababa ng 35 porsiyento kumpara sa datos noon g Enero 30 hanggang Pebrero 5.
Sa mga bagong kaso, pito ang kritikal, samantalang may dalawang nasawi sa pagitan ng Enero 30 hanggang Pebrero 12.