Bigtime oil price hike nakaamba sa susunod na linggo

Pinangunahan na ng mga kompaniya ng langis ang mga motorista sa posibleng “bigtime oil price hike” sa susunod na linggo.

Sa pagtataya, maaring madagdagan ng P1.40 hanggang P1.90 ang halaga ng kada litro ng gasolina, samantalang P1.20 hanggang P1.60 naman sa bawat litro ng kerosene at diesel o krudo.

Nabatid na kung ang paggalaw sa mga presyo ay ibabase sa Mean of Platts Singapore (MOPS) index, ang posibleng pagtaas sa halaga ng gasolina ay : P1.421 kada litro sa gasolina, P1.126 sa diesel at P1.292 naman sa kerosene. liter for gasoline products; then P1.126 per liter for diesel; and kerosene products by P1.292 per liter.

May huling araw ng trading pa ngayon ngunit ayon sa mga kompaniya ng langis malabo nang mapigilan pa ang “bigtime price hike.”

Ang paggalaw sa mga presyo ay bunga pa rin ng kaguluhan sa Middle East at ang sitwasyon sa Red Sea.

Noong nakaraang linggo nagwakas ang limang linggong pagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo ngunit halos hindi naramdaman ang price rollback – P0.10 sa diesel, P0.40 sa kerosene at P0.60 sa gasolina.

 

Read more...