Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng gobyerno ang isang Filipina, na ayon sa Estados Unidos, ay may kaugnayan sa terrorist groups Islamic State at Al-Qaeda.
Kinilala ang naaresto na si Myrna Mabanza, 32, na ayon sa Anti-Terrorism Council (ATC) ay kabilang sa listahan ng “United Nations Security Council Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) o ang Daesh and al-Qaeda Sanctions List.”
Isinilbi sa kanya ang mga arrest warrants sa kanyang safehouse sa Barangay Pasil, Indanan sa Sulu kahapon.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at Anti-Money Laundering Council (AMLC), at suportado ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
“Mabanza has standing arrest warrants for five counts of violation of Republic Act (RA) No. 10168 (The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012) and RA No. 11479 (The Anti-Terrorism Act of 2020) under Criminal Case Numbers 53502, 53503, 53504, 53506, and 53507, all issued on December 20, 2023 in Zamboanga City, Zamboanga del Sur with no bail recommended,” ayon sa inilabas na pahayag ng ATC.
Siya din ang nagpadala ng pera sa napatay na si Isnilon Hapilon, sa Amir of Islamic State East Asia, at ang naging tagapamagitan ni Haplion at ng Doesh forces sa Syria.
“She also helped facilitate the travel of a representative of a Doesh-linked terrorist group, the Jamaah Ansharut Daulah (JAD), from Indonesia to the Philippines to purchase arms and to set up training courses for pro-Desh Indonesian recruits with local terrorist groups on firearms use and basic bomb-making,” dagdag pa ng ATC.