Villanueva may apila sa Comelec sa signature withdrawal sa people’s initiative

COMELEC PHOTO

“Hindi naman po ito relasyon pero bakit parang it’s complicated ang withdrawal form na ito?”

Ito ang naging katanungan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kaugnay sa form na ipinamamahagi ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga nais bawiin ang pirma sa people’s initiative o PI.

Ngunit, ayon kay Villanueva, maganda ang aksiyon na ito ng Comelec at hiling lamang niya ay huwag nang pahirapan ang mga nais bawiin ang kanilang pirma.

“Hindi na rin po dapat hingian ng paliwanag ang ating mga kababayan na nais bawiin ang kanilang pirma dahil karapatan po nila ito,” sabi pa ng senador.

Sabi pa ni Villanueva na hindi naman nahirapan sa pagpirma kayat hindi na rin dapat sila pahirapan pa sa pagbawi ng kanilang pirma.

Sa withdrawal form ng Comelec hinihingi ang paliwanag sa pagbawi ng pirma bukod pa sa mga personal na detalye.

 

Read more...