“Economic Cha-cha” susi sa pag-unlad ng bansa – Aklan solon

Kumpiyansa si Aklan 2nd District Representative Teodorico Haresco Jr., na malaki ang maitutulong ng tinatalakay na pag-amyenda sa ilang probisyon na pang-ekonomiya sa 1987 Constitution.

“We need to expand our capital, technology, and entrepreneurship opportunities to create more jobs and compete globally. Economic transformation for the Philippines requires fellow public servants and fiscalizers to maximize opportunities for job creation, innovation, and international cooperation,” ani Haresco.

Ibinigay niyang halimbawa ang ginawang pagbabago sa Saligang Batas ng ilang gobyerno sa Asya na naging daan ng paglago ng kanilang ekonomiya.

“For more than half a decade, the Philippines have been lagging behind our ASEAN counterparts. In 1967, we ranked third among ASEAN Founding Member countries, following Singapore and Malaysia. Now, we ranked last among the five,” dagdag pa ng nagsisilbing vice-chairperson ng House Appropriations Committee.

Aniya ang Singapore ay siyam na beses na nang nag-amyenda ng  kanilang Konstitusyon mula 1965; ang Malaysia ay 61 beses mula 1957; ang Thailand ay 20 beses mula 1932; at ang Indonesia ay apat na beses na.

“Compelling data shows that while our economy may be growing, the well-being of our people are falling behind our ASEAN neighbors. Revisiting the Constitution and amending restrictive economic provisions, specifically on foreign ownership, will be key to maximizing our economic potential and ushering in the President’s vision of a Bagong Pilipinas, a new era of prosperity, innovation, and invigoration for the Filipino people,” sabi pa ng mambabatas.

Kailangan aniya ay walang “restrictive economic policies” na nagsisilbing hadlang  ngsa pag-unlad bansa.

 

Read more...