Youth sex abuse victims na nabuntis dapat matutukan – Binay

OSNB PHOTO

Hiniling ni Senator Nancy Binay sa Department of Education (DepEd) na bumuo ng mekanismo para sa pagtutok ng mga kabataang nabubuntis dahil sa pang-aabusong sekswal.

Kasunod ito nang pagkabahala ng senadora sa paglobo ng bilang ng teenage pregnancy sa bansa.

Ngunit sinabi ni Binay na mas nakakabahala na marami sa mga maagang pagbubuntis ay bunga ng pang-aabuso.

Paalaala na rin ng senadora sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education na itinaas na ang edad ng mga biktima ng statutory rape.

Inamin na rin ni Education Asec. Alma Ruby Torio na wala silang malinaw na mekanismo para mabantayan ang mga mag-aaral na nabubuntis dahil sa pang-aabuso.

Diin na lamang niya na nakikipag-ugnayan ang DepEd sa mga biktimang mag-aaral at sa mga magulang ng mga ito.

 

Read more...