Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pag-aralan muli ang kanilang comprehensive sexuality education program.
Ayon kay Gatchalian, may mga tumitigil sa pag-aaral na mga estudyante dahil nabubuntis.
“If they are not aware of sex education, not aware of their bodies, not aware of the perils if they get pregnant early, they would drop out. The problem with that is they will never go back to school. The way forward is to prevent,” ayon sa namumuno sa Senate Committee on Basic Education.
Hindi rin aniya maaring maitanggi na ang napakababang grado ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2022 ay dahil sa maagang pagbubuntis ng ilang estudyante.
Dagdag pa ng senador, makakabuti kung maiiwasan ang pagbubuntis ng estudyante sa pamamagitan ng tamang kaalaman na maibibigay ng sexuality education.