P1M multa, 2 years suspension ng lisensiya sa drunk driving

Naghain ng panukala si Senator Raffy Tulfo para mapataas ang multa sa mga motorista na mahuhuling nagmamaneho ng lasing.

Sa kanyang Senate Bill No. 2546, pinuna ni Tulfo na sa kabila ng pagpapatupad ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013, dumami pa ang insidente ng  “drunk driving” sa mga nakalipas na taon.

Paliwanag niya dapat ay P500,000 hanggang P1 milyon ang multa kapag may namatay sa paglabag sa naturang batas at suspindido din ng dalawang taon ang lisensiya sa pagmamaneho ng lumabag na motorista.

Ibinahagi ng senador na base sa impormasyon mula sa  Land Transportation Office’s  (LTO) Law Enforcement Service-Anti-Drunk and Drugged Driving Enforcement Unit nakapagtala sila ng 402 aksidente mula Enero hanggang Agosto noong 2022.

Sa naturang bilang, 353 sa mga nasangkot na motorista ay nagpostibo sa alcoholic intoxication.

Base naman sa datos ng PNP-Highway Patrol Group, tumaas ng 90 porsiyento ang kaso ng drunk driving noong Nobyembre 2022 kumpara sa naitala sa sinundan na buwan ng Oktubre.

 

Read more...