Sobrang singil ngayon Pebrero isosoli ng Meralco

Inanunsiyo ng  Manila Electric Company (Meralco) ang refund sa ‘generation charge overbilling’ ngayon Pebrero.

Sinabi ni Meralco Vice President Joe Zaldarriaga ang sobrang masisingil ay kanilang isosoli sa March billing.

Ang hakbang ay bunsod ng pagpuna ng  Energy Regulatory Commission (ERC)  sa pagpasa ng Meralco sa kanilang kustomer ng sa singil ng kanilang power suppliers na gumagamit ng liquified natural gas (LNG), gayundin ang nagmula sa Malampaya gas.

Nilinaw naman ni Zaldarriaga na bahagi lang ng nadagdag na P05738 per kiloWatt hour ang kanilang ire-refund.

Kamakalawa, sinabi ng ERC na kailangan ay humingi muna ng permiso ang Meralco bago ipasa sa kanilang kustomer ang halaga ng nakuhang suplay ng kuryente mula sa mga planta na gumagamit ng LNG.

 

Read more...