Lola, 80, patay sa pagbagsak ng bahagi ng simbahan sa Bulacan

SJDM LGU PIO PHOTO

Pasado alas-12 ngayon hapon nang malagutan ng hininga ang isang 80-anyos na babae na kabilang sa mga nasugatan nang bumagsak ang isang bahagi ng ikalawang palapag ng Parokya ni San Pedro Apostol sa San Jose del Monte City sa Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Luneta Morales.

Sa panayam, sinabi ni City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) Chief Gina Ayson gawa lamang sa kahoy ang bumagsak na bahagi ng simbahan.

Nakapila ang mga nagsimba para magpapahid ng abo sa kanilang noo nang maganap ang aksidente pasado alas-7 kaninang umaga.

Samantala, nasa ibat-ibang pagamutan ang mga nasugatan at nasaktan na umakyat ang bilang sa 52.

Read more...