Pagpuslit ng P330M halaga ng “rare cars” iimbestigahan ng Blue Ribbon Committee

SENATE PRIB PHOTO

Nasa kamay na ng Senate Blue Ribbon Committe, na pinamumunuan ni Senator Pia Cayetano, ang pagbibigay linaw sa pagpasok sa bansa ng dalawang luxury cars na nagkakahalaga ng P330 milyon. Sa privileged speech ni Sen. Raffy Tulfo tinukoy nito ang kulay asul at kulay pula na Bugatti Chiron na nagkakahalaga ng P165 milyon ang bawat isa. Sinabi ni Tulfo na walang record ang pagkakapasok ng dalawang sasakyan sa Pilipinas, ngunit nailabas ito sa Bureau of Customs at naiparehistro pa sa Land Transportation Office (LTO). Magugunita na sa budget hearing ng Customs Bureau noong nakaraang taon, itinanggi ng kawanihan na may records sila ng dalawang sasakyan. Base naman sa mga dokumento mula sa LTO, may kambal na certificate of payment na nagkakahalaga ng P24.7 milyon ang dalawang sasakyan. Nabatid na ang sertipiko ay pirmado ni Customs Collector Harold Agama at Customs Examiner Rosario de Leon. Nairehistro ang dalawang sasakyan sa dalawang banyaga at nabatid na may 60 units lamang nito sa buong mundo.

Read more...