Maritime Roadmap inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr.

PCO PHOTO

Inaprubahan na ni Pangulong Marcos Jr. ang 10-year Maritime Industry Development Plan 2028 (MIDP).

Ang magsisilbing roadmap ng maritime industry ng bansa ay naaprubahan sa pamamagitan ng apat na pahinang Executive Order No. 55 na may petsang Pebrero 8, 2024 at pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

“To fully realize our potential as a maritime nation, the country requires a clearly defined and coordinated roadmap that shall accelerate the integrated development of the Philippine Maritime Industry,” ani Marcos.

Paliwanag ng pangulo sa pamamagitan ng roadmap uunlad ang sektor, kabilang na ang paglikha ng Philippine Merchant Fleet.

Kailangan lamang na magpatupad ang Maritime Industry Authority (MARINA) ng isang sistema para sa epektibong pagpapatupad, monitoring at pag-aaral ng MIDP at ang mga nakapaloob na programa.

 

 

Read more...