Hindi simple bagkus komplikado ang pag-amyenda sa tatlong economic provisions ng 1987 Constitution, ayon kay Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito. Sa ikalawang pagdinig sa Resolution of Both Houses No. 6, sinabi ni Ejercito na napakahirap ang pagbawi sa anumang pag-amyendang gagawin sa Saligang Batas. Aniya mahalaga na pakinggang mabuti ang posisyon at opinyon ng mga iniimbitahang resource persons at pag-aralan ng husto ang maaring maging epekto ng gagawing pagbabago sa Konstitusyon. Binanggit niya na naging mabusisi ang pagpasa sa Public Services Act at ikinunsidera na ang mga Filipino ang lubos na makikinabang sa pagpapabuti ng imprastraktura at utilities sa bansa. Dagdag pa niya na ikunsidera na bigyan ng lubos na pagkakataon at Public-Private Partnership Act sa pagpapa-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas bago pa galawin ang Saligang Batas.