VP Sara ok kay PBBM, no comment kay FL Liza

Sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na maayos ang relasyon nila ni Pangulong Marcos Jr.

Ngunit tumanggi na itong magbigay ng komento sa relasyon naman nila ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa panayam sa kanya sa Malaysia.

Nasa Malaysia si Duterte bilang pagtupad sa kanyang mga tungkulin bilang pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).

“We have no problem with each other. President Bongbong Marcos and I are doing good. We are okay in terms of our relationship. Both personal and working relationship,” ani Duterte.

Dagdag pa niya na hindi naman siya tinatanong ni Pangulong Marcos Jr., hinggil sa mga komento ng kanyang pamilya, sa pangunguna ni dating Pangulong Duterte.

Ngunit nang tanungin naman siya ukol sa kanilang relasyon ng Unang Ginang ang sagot ni Duterte, “I have no comment as of this time.”

Unang ibinahagi ng dating Pangulong Duterte na nasa “watchlist” ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Punong Ehekutibo kasunod nito ay pinagbibitiw naman siya sa puwesto ni Davao City Mayor Sebastian Duterte.

 

 

Read more...