Itinalaga ni Pangulong Marcos Jr., si Maria Lourdes Doria-Velarde bilang miyembro ng Board of Trustees ng Home Development Fund (Pag-IBIG).
Si Doria-Velarde ang magiging kinatawan ng pribadong sektor sa Pag-IBIG.
Pinalitan niya si Mylah Roque, maybahay ni dating presidential spokesman Harry Roque, na naitalaga sa posisyon noong Setymebr 2017.
Nagsilbing Deputy General for Administration ng Duty Free Philippines si Doria-Velarde.
Bukod sa naging miyembro din siya ng Board of Trustees ng Nayon Pilipino Foundation at Intercontinental Broadcasting Corp. (IBC 13).
MOST READ
LATEST STORIES