Wanted na Pakistani, timbog sa Subic

 

Naaresto sa isang entrapment operation ang wanted na Pakistani sa Subic Bay Freeport Zone sa Subic, Zambales nitong nagdaang weekend.

Ayon sa Bureau of Immigration, naaresto nila ang isang Malik Muhammad Sharif na kilala rin bilang Sharif Ahmad sa isang joint law enforcement operation na isinagawa sa Subic.

Wanted ang 39-anyos na puganteng si Sharif ay ipinanganak sa Sialkot, Pakistan, at wanted sa Islamabad dahil sa mga kasong double murder, attempted murder, terrorism at rioting.

Ayon sa Interpol Red Notice, sisintensyahan na ng mga otoridad sa Pakistan si Sharif ng death penalty.

Read more...