Satifaction ratings ng UniTeam nina PBBM at VP Sara tumaas

FILE PHOTO

Sa pagtatapos ng 2023, tumaas ang net satisfaction ratings nina Pangulong Marcos Jr., at Vice President Sara, base sa resulta ng 4th Quarter 2023 Social Weather Station (SWS) survey.

Base sa resulta, nakapagtala ng satisfaction rating si Pangulong Marcos na +47 na mas mataas sa nakuha niyang +44 sa survey noong nakaraang Setyembre.

Ngunit nanatiling “good” ang klasipikasyon ng satisfaction rating ng Punong Ehekutibo.

Samantala, mula sa +57 noong Setyembre umangat sa +61 ang satisfaction rating naman ni Duterte.

Kasabay nito, inilabas ang nakuhang ratings ng  tatlong pang pinakamataas na opisyal ng bansa – Senate President Juan Miguel Zubiri (+44), Speaker Martin Romualdez (+28), at Chief Justice Alexander Gesmundo (+32).

Isinagawa ang survey mula Disyembre 8 hanggang 11 at ito ay 1,200 respondents sa buong bansa.

Nabuo ang UniTeam nina Pangulong Marcos Jr., at Duterte sa kampaniya noong 2022 elections.

 

 

 

Read more...