Angara: Senators binu-bully ng mga taga-Kamara

SENATE PRIB PHOTO

Maituturing ng pambu-bully ang ginagawa ng ilang kongresista sa mga senador.

Ito ang sinabi ni Sen. Sonny Angara ukol sa mga nagiging banat ng ilang kongresista.

Nag-ugat ito sa araw-araw na news conference ng ibat-ibang grupo ng mga kongresista matapos silang maituro sa sinasabing “politico initiative” na layon amyendahan ang Saligang Batas.

Dagdag pa ni Angara wala itong pinag-iba sa mga insidente ng pambu-bully sa eskuwelahan na nangyayari araw-araw.

Sinabi pa niya na sa mga eskuwelahan kahit saan ay may mga bully at ganito din ang nangyayari sa araw-araw na banat sa kanilang mga senador.

Paalala pa ni Angara na siya ang pangunahing awtor ng Anti-Bullying Law.

Unang nagbanta ang ilang kongresista na maaring ikunsidera nila ang people’s initiative kapag hindi naaprubahan sa Senado ang Resolution of Both Houses No. 6, na ang layon ay amyendahan ang tatlong economic provisions sa 1987 Constitution.

Read more...