Pito na ang kumpirmadong namatay sa pagguho ng lupa sa Barangay Masara sa Maco, Davao de Oro.
Sa ulat pamahalaang-panglalawigan, may 31 pa ang nasugatan na isinugod sa Montevista Hospital at Davao Regional Medical Center, samantalang may 48 pa ang hinahanap.
Bukod pa dito, 758 pamilya ang nanunuluyan pansamantala sa mga evacuation centers sa Barangay Elizalde at Barangay Panibasan.
Kinumpirma na may dalawang bus na may sakay na mga minero ang kabilang sa mga natabunan ng gumuhong tone-toneladang lupa bago mag-alas-8 ng gabi noong Martes.
Nagpapatuloy naman ang paghahanap ng rescue workers mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management teams ng Davao de Oro, at Davao del Norte, gayundin mula sa 11 kalapit na mga bayan. municipalities Pantukan, Maco, Nabunturan, Mawab, Laak, Monkayo, Montevista, at Maragusan.
Umaasa ang mga opisyal na may mga maililigtas pa sa mga nawawala.