Mapait sa panlasa ni Senator Christopher “Bong” Go ang naging rekomendasyon na pagbuwag sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Nagmula ang rekomendasyon mula kay bumisitang United Nations Special Rapporteur Irene Khan.
Hiniling din ni Khan ang pagbasura sa Anti-Terrorism Act at Cybercrime Prevention Act.
Sinabi ni Go na dapat ay kilalanin ni Khan ang sobereniya ng Pilipinas gayundin ang mga institusyon sa bansa.
Aniya ang lahat ng batas sa bansa ay masusing pinag-aralan at ang mga ito ay para sa proteksyon ng bansa at mamamayan.
Binanggit din nito ang mga proseso at mekanismo para sa pantay at epektibong pagpapatupad ng mga batas.
Hiniling na lamang din ni Go kay Khan na itigil na ang pakikialam sa mga isyu sa bansa.