Nais ng ilang senador na mas maging mabigat ang parusa, kasama na ang pagkakakulong, sa “game fixing.”
Sa pagdinig ng Committee on Sports, na pimumunuan ni Sen. Christopher “Bong” Go, sasakupin ng mas mabigat na parusa ang players, coaches maging game officials.
“Kung may kasabwat dapat may managot. Ma-penalize, ma-ban para hindi maulit. Talagang lagyan natin ng ngipin ang batas na ito para maiwasan ang game fixing. Sayang naman ang thrill ng sports,” ani Go matapos ang pagdinig.
Aniya ang mga parusa ay sasakupin ang lahat ng uri ng sports league.
Umaasa naman si Sen. Jinggoy Estrada na mailalatag sa pinakamadaling panahon ang Senate Bill 1641 o ang Act Prohibiting Game-Fixing and Providing Penalties.
Nais niya na kaparusahan ay habambuhay na pagkabilanggo at multa na aabot sa P50 milyon.