Pangulong Marcos Jr., bumisita sa Davao City, Pulong at Baste Duterte hindi humarap

OP PHOTO

Dumalaw kanina si Pangulong Marcos Jr. sa Davao City at pinasinayaan ang isang bulk water supply project sa distrito ng Calinan.

Kasama ni Pangulong Marcos Jr., ang ilan pang opisyal ng gobyerno.

Hindi naman niya nakaharap sina Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte at ang kanyang kapatid na si Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Magugunita na kamakailan ay nanawagan si Mayor Duterte kay Pangulong Marcos Jr., na magbitiw na sa puwesto.

Dumalo din ang Pangulong Marcos Jr., sa isang aktibidad ng Department of Agrarian Reform para sa mga benepisaryo ng agrarian reform, gayundin sa pagpirma ng mga kontrata para sa Davao Public Transport Modernization Project ng Department of Transportation (DOTr).

Sumipot si Vice President Sara Duterte sa aktibidad ng DAR at DOTr.

Sa kanyang mensahe inalala ni Pangulong Marcos ang mga magagandang alaala niya sa lungsod gayundin ng kanyang pamilya.

 

 

Read more...